PAMILYANG NA-TRAP SA BANGSING NG AMNAY, ISINALBA NG MUNISIPAL DISASTER AND RESCUE TEAM NG SABLAYAN

Facebook
Twitter
LinkedIn
Pinterest
Pocket
WhatsApp

By Jessabel S. Achacoso

SABLAYAN, OCCIDENTAL MINDORO: Isang pamilya na binubuo ng anim na miyembro na naninirahan malapit sa tabing-ilog ng Amnay ay nailigtas ng municipal disaster and rescue team ng Sablayan matapos silang mabulagta ng patuloy na pagtaas ng baha sa Sitio As-is, Zone 1, Barangay Ilvita.

Ang river rescue operation na ito ay isinagawa ng mga ahensya tulad ng MDRRMO North Extension, PDRRMO Sub Office Sablayan, BFP, at Philippine Coast Guard, katuwang ang Barangay Kagawad ng Ilvita.

Matagumpay na naisalba ang pamilya at ngayon ay ligtas na nasa isang evacuation center. Dahil sa mabilis na pagtugon at pagkakaisa ng mga rescue team, nagawa nilang maihatid ang pamilya sa ligtas at maayos na lugar kung saan maaari silang magkaroon ng kalinga at tulong mula sa lokal na pamahalaan.

Sa panahon ng masalimuot na pagbaha at iba pang kalamidad, mahalagang maging handa ang ating mga lokal na pamahalaan at mga kawani ng disaster and rescue teams upang agaran na makapagresponde at maiwasan ang mga sakunang maaaring makaapekto sa kaligtasan at buhay ng ating mga kababayan.

Patuloy na paalala rin sa publiko ang Philippine Coast Guard at iba pang mga kinauukulang ahensya na maging maingat at maging handa sa mga posibleng kalamidad, partikular na sa panahon ng tag-ulan, upang maiwasan ang mga trahedya at maiangat ang antas ng kaligtasan ng bawat komunidad sa buong bansa. (Photo courtesy of Mdrrmo Sablayan

Facebook
Twitter
LinkedIn
Pinterest
Pocket
WhatsApp

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *