Mayor Malou Morillo Maglulunsad ng “Green City of Calapan” sa Ikalawang SOCA

Facebook
Twitter
LinkedIn
Pinterest
Pocket
WhatsApp

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro: Sa usapin ng pagprotekta sa kalikasan, hindi gagawin ng Calapan City ang mga parehong pagkakamali na nagawa ng ibang mga lungsod noong nakaraan.

Ito ang mensahe ni Mayor Malou Morillo sa kaniyang ikalawang State of the City Address (SOCA) noong Martes, Hulyo 25, sa Calapan City Convention Center, kung saan ipinangako niya na maglunsad ng mas marami pang mga programang maka-kalikasan.

Sinabi ni Morillo na ang mga plano at programa ng lungsod ay nakatuon sa pagkamit ng “Green City of Calapan.”

“Ang programa ng Green City of Calapan ay magiging gabay natin sa pagpapatupad ng ating mga programa at proyekto sa ekonomikong pag-unlad, pagprotekta sa kalikasan, at pantay na access sa mga pangunahing sosyal na serbisyo,” pahayag ni Morillo sa kaniyang talumpati.

Ayon sa baguhang punong ehekutibo, kahit na isang component city, nananatiling ang agrikultura ang pangunahing nagpapalakas sa ekonomiya ng Calapan.

Binanggit niya na naglaan ang lokal na pamahalaan ng P14.5 milyon para sa subsidiya ng pataba at karagdagang P81.8 milyon mula sa Department of Agriculture (DA) para sa diskwento sa binhi ng palay at inorganikong pataba. Nagsanib-pwersa rin ang lungsod sa National Food Authority at naglaan ng P2 milyon upang suportahan ang mga lokal na magsasaka sa pagbebenta ng kanilang palay sa nasabing ahensya ng pamahalaan, na unang pagkakataon sa probinsiya. (photo courtesy of Tita Malou Flores-Morillo (Calapan City Mayor)

Facebook
Twitter
LinkedIn
Pinterest
Pocket
WhatsApp

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *